COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba sa nakalipas na isang linggo
May pagbaba sa naitalang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.
Ayon sa OCTA Research, mula sa 13.9 percent na positivity rate noong Dec. 17 ay bumaba ito sa 11.5 percent noong Dec. 24.
Bumaba din ang positivity rate sa Camarines Sur mula sa 32.9 percent patungo sa 27. 3 percent na lamang.
May pagtaas naman ng positivity rate sa ilang mga lalawigan sa Luzon.
Ayon sa datos, sa Albay, mula sa 23.3 percent na positivity rate noong Dec. 17 ay tumaas ito sa 35. 4 percent.
Sa Ilocos Sur, mula sa 30.6 percent ay tumaas sa 44.8 percent ang positivity rate.
Sa Kalinga, mula sa 26.2 percent ay tumaas ang positivity rate sa 41.7 percent.
At sa Pampanga, mula sa 12.5 percent ay tumaas sa 17 percent ang positivity rate. (DDC)