DOLE nagpalabas ng pay rules para sa tamang pagpapasweldo sa mga empleyadong nagtrabaho ngayong araw (Dec. 26)
Nagpalabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa tamang pagpapasahod sa mga empleyadong pumasok sa trabaho ngayong araw, Dec. 26.
Ang araw na ito ay idineklarang special-non-working day ng Malakanyang.
Ayon sa DOLE, kung ang empleyado ay hindi pumasok sa trabaho, iiral ang “no work, no pay”, maliban na lamang kung mayroong umiiral na company policy, practice, o collective bargaining agreement na nagbibigay ng bayad para sa special day.
Kung ang empleyado naman ay pumasok sa trabaho ngayong araw, tatanggap ito ng 130% ng kaniyang basic wage. (DDC)