Naitalang kaso ng fireworks-related injuries umakyat na sa 20
Umabot na sa 20 ang bilang ng naitalang fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH) simula noong Dec. 21 hanggang 26, 2022.
Ayon sa DOH, kahapon araw ng Pasko (Dec. 25) ay nakapagtala ng dagdag na 15 pang bagong kaso ng fireworks-related injuries.
Ang datos ay mula sa 61 sentinel hospitals sa buong bansa.
Ang mga nasugatan ay dahil sa paggamit ng mga sumusunod na uri ng paputok:
Boga – 6
Kwitis – 3
Whistle Bomb – 3
5-Star – 2
Judas Belt – 1
Missile – 1
Other unlabeled or imported firecrackers – 1
Pop-pop – 1
Hindi tukoy na uri ng paputok – 2
Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng sugat sa mata (11), kamay (6), braso (2) at likuran (1).
Wala pa namang naitatalang kaso ng fireworks ingestion at insidente ng nasaktan dahil sa stray bullet. (DDC)