P17.3M na standby funds inilaan ng pamahalaan sa mga biktima ng pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao
Naglaan ang pamahalaan ng P17.3 milyon na standby funds para sa mga biktima ng naranasang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa shear line.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patuloy din na binabantayan ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao na tinamaan ng kalamidad.
Nauna nang nakapamahagi ng food packs at iba pang pangangailangan sa halos 20,000 na apektadong pamilya.
Pinakilos ng pangulo iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang tugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Agad nailikas na ang mga nasalanta at patuloy ang pagbabahagi ng food packs, non-food items, at cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakaalerto din ang rescue teams at volunteer groups at binuksan ang 24/7 operations center para sa agarang pagresponde.
Nagpapatuloy naman ang clearing operations para sa maayos na daloy ng serbisyo pati na rin ang pagsuri sa pinsalang dala ng kalamidad sa ari-arian at imprastruktura sa mga rehiyon. (DDC)