Endangered na uri ng Pawikan natagpuan sa Dagupan City
Isang hawksbill sea turtle ang natagpuan na katubigan sa Brgy. Pugaro sa Dagupan City.
Ang nasabing uri ng pawikan na itinuturing na critically-endangered species ay dinala ng isang mangingisda sa City Agriculture Office (CAO) umaga ng Biyernes, December 23, 2022.
Ayon kay Agricultural Technologist Laila Ubando, nakita ni Roberto Manuel ang pawikan habang siya’y nangingisda bandang 7:30 ng umaga kaya minabuti niyang kunin ito at ibigay sa CAO.
May habang 15 inches at tinatayang 3.5 kilos ang timbang ng na-recover na pawikan na may scientific name na Eretmochelys imbricata.
Ang klase ng pawikan na ito ay may narrow, pointed beak at overlapping scales sa kanilang shells.
Dinala ng CAO team ang pawikan sa City Environment and Natural Resources Office sa Bonuan Tondaligan upang ma-rehabilitate at lumakas itong muli para maari na itong ibalik sa karagatan. (DDC)