DOH nakapagtala na ng 4 na kaso ng BF.7 sa bansa

DOH nakapagtala na ng 4 na kaso ng BF.7 sa bansa

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng apat na kaso ng Omicron subvariant BF.7 sa bansa.

Ayon sa inilabas na pahayag ng DOH, ang mga kaso ng BF.7 ay iniuulat ng kagawaran sa ilalim ng Omicron subvariant BA.5.

Sa ngayon sinabi ng DOH na wala pang patunay na ang BF.7 ay mas malala ang epekto kumpara sa orihinal na Omicron variant.

Unang iniulat na ang BF.7 variant ay nakaapekto sa China.

Palala ng DOH sa publiko, pinakambisa pa ring panlaban sa anumang variant ng Omicron ang pagsusuot ng best-fitting face masks, agad na pag-isolate kapag nakaranas ng sintomas at doblehin ang proteksyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng bakuna. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *