Dating SC Justice Dante Tinga itinalaga ni Pangulong Marcos bilang acting chairman ng DBP

Dating SC Justice Dante Tinga itinalaga ni Pangulong Marcos bilang acting chairman ng DBP

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Supreme Court (SC) Associate Justice Dante Osorio Tinga bilang acting chairman at miyembro ng Board of Directors ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Ang appointment ni Tinga sa DBP ay naipabatid na ng Palasyo sa Department of Finance (DOF) na mayroong supervisory functions sa mga government-owned bank.

Nanumpa na sa puwesto si Tinga sa Malakanyang kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Si Tinga ay nagsilbi bilang SC associate justice mula 2003 hanggang 2009.

Dati rin siyang miyembro ng House of Representatives, bilang kinatawan ng Taguig-Pateros District. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *