LPA binabantayan ng PAGASA sa Surigao del Norte; magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Surigao del Norte.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 355 kilometers East Southeast ng Surigao City, Surigao del Norte.
Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat n apag-ulan sa Visayas, Palawan, at sa nalalabing bahagi ng Bicol Region.
Magdudulot naman ng maulap na papawirin na may pag-ulan ang Northeast Monsoon o Amihan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Bahagyang maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Habang localized thunderstorms ang iiral sa Mindanao. (DDC)