Number coding suspendido sa Dec. 26, Dec. 30 at Jan 2

Number coding suspendido sa Dec. 26, Dec. 30 at Jan 2

Suspendido ang pag-iral ng number coding sa mga nalalabin pang holidays sa buwan ng Disyembre at sa January 2, 2023.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga sumusunod na araw na idineklarang holiday:

• Disyembre 26, 2022 Lunes
• Disyembre 30, 2022 Biyernes, Rizal Day
• Enero 2, 2023 Lunes

Paalala ng MMDA sa mga motorista, planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *