DOH nakapagtala na ng isang kaso ng fireworks-related injury

DOH nakapagtala na ng isang kaso ng fireworks-related injury

Ilang araw bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon ay mayroon nang naitalang insidente ng fireworks-related injury ang Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, base ito sa case reports mula sa 61 sentinel hospitals sa buong bansa.

Narito ang paalala ng DOH na mga maaaring gawin kapag nasugatan dahil sa paputok:

– Hugasan agad ng malinis at dumadaloy na tubig ang sugat
– Takpan ng malinis na tela ang sugat para maiwasan ang impeksyon at manatili itong malinis
– Dalhin ang biktima sa pinakamalapit na health facility

Paalala ng DOH sa publiko, umiwas sa paggamit ng paputok para maging ligtas ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *