Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang mas bubuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 6 na buwan

Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang mas bubuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 6 na buwan

Naniniwala ang mayorya ng mga Pinoy na mas bubuti pa ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.

Ito ang resulta ng isinagawang Tugon ng Masa 4th Quarter Survey ng OCTA Research.

Sa nasabing survey tinanong ang mga respondent kung “Sa darating na anim na buwan, ano sa palagay ninyo ang mangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas?”

46 percent sa mga respondents ang nagsabing mas bubuti pa ito kumpara sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya.

38 percent ang nagsabing pareho lamang ng kasalukuyang lagay ng ekonomiya.

10 percent ang nagsabing, lalala ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.

Habang mayroong 5 percent ang hindi alam ang kanilang tugon.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, ginawa ang survey noong Oct. 23 hanggang 27. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *