Mahigit 100,000 pasahero bumiyahe sa mga pantalan ngayong araw
Umabot sa mahigit 100,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan ngayong umaga ng Miyerkules, Dec. 21, 2022.
Ayon sa datos ng PCG, mayroong 56,309 na outbound passengers at 44,456 inbound passengers na bumiyahe sa mga pantalan sa bansa simula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Mayroong 2,094 na mga tauhan ng PCG ang ipinakalat sa mga pantalan at nagsagawa ng inspeksyon sa 368 na mga barko at 883 na motorbancas.
Ang lahat ng PCG districts, stations, at sub-stations ay nakasailalim sa ‘heightened alert’ hanggang sa Jan. 7, 2023.
Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang lalawigan para makasama ang kanilang mahal sa buhay sa Pasko at Bagong Taon. (DDC)