LTO tiniyak ang kahandaan sa pagpapatupad ng Oplan Pasko 2022
Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) ang kahandaan ng mga tauhan nito sa pagpapatupad ng Oplan Pasko 2022.
Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at mga motorista.
Ayon kay LTO Chief Asst. Sec. Jayart Tugade, kapag ganitong panahon ay tumataas ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada.
Kailangan aniyang masiguro ang pagkakaroon ng road safety para sa kaligtasan ng mga biyahero.
Inatasan ni Tugade ang lahat ng regional offices ng LTO na aktibong magsagawa ng mga aktibidad para sa Oplan Pasko 2022.
Sa ngayon ang mga Law Enforcement Officers (LEOs) ng LTO ay nagsasagawa ng inspeksyon sa mga terminal at roadside para matiyak ang road worthiness ng mga sasakyan, traffic flow monitoring, pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa land transportation laws, rules, and regulations upang maiwasan ang mga aksidente.
Ani Tugade, ngayong nasa ilalim pa rin ang bansa ng national health emergency, kasama din sa tinitiyak ng mga tauhan ng LTO ang pagsunod sa health and safety protocols. (DDC)