200 traffic violators sa Cagayan De Oro City, nag-avail ng condonation program

200 traffic violators sa Cagayan De Oro City, nag-avail ng condonation program

Umabot sa 200 Certificates of Availment ang naipamahagi sa mga traffic violators sa Cagayan de Oro.

Ito ay makaraang i-avail nila ang pribilehiyo sa ilalim ng tax relief/condonation ordinance ng lungsod.

Ayon sa City Legal Office, sa kabuuan nakatanggap na sila ng 2,000 aplikasyon mula sa mga traffic violators na nais mag-avail ng tax condonation.

Karamihan sa kanila ay pawang taxi at jeepney drivers.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 14385-2022, ang mga mayroong traffic violations at lumabag sa parking rules noong 2021 at mga nagdaan pang taon at naisyuhan ng Traffic Citation Tickets (TCT) ng RTA ay maaaring mag-avail ng condonation sa kanilang penalties o administrative fines.

Para makaligtas sa pagbabayad ng fine kailangan silang makakuha ng Certificate of Availment at isumite ito sa RTA para sa withdrawal ng violation report. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *