Groundbreaking ceremony ng housing project sa Nueva Ecija pinangunahan ni Pangulong Marcos
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony para sa 11-hectare housing project sa Palayan City, Nueva Ecija.
Inaasahang makapagtatayo ng 11,000 bahay sa nasabing proyekto, na may kasamang eskwelahan, palengke at iba pang pasilidad.
Ayon kay Marcos ang naturang proyekto ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na makapagtayo ng isang milyong pabahay taun-taon sa susunod na anim na taon.
Sa kaniyang speech sinabi ni Marcos simula pa lamang ito ng mga kahalintulad na proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa.
Malaking bagay aniya ito upang masolusyonan ang problema ng pabahay sa bansa. (DDC)