10 patay sa sunog sa Muntinlupa; agarang tulong sa mga biktima iniutos ng pamahalaang lungsod

10 patay sa sunog sa Muntinlupa; agarang tulong sa mga biktima iniutos ng pamahalaang lungsod

Sampung miyembro ng pamilya ang nasawi sa sunog na naganap Muntinlupa City, Linggo (Dec. 18) ng umaga.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamilya ng mga nasawi sa sunog.

Ayon kay Fire Supt. Eugene Briones ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Muntinlupa, ang 10 ay pawang magkakapamilya na nasawi sa sunog na sumiklab sa Bruger St., Brgy. Putatan.

Kinilala ang mga biktima na sina Mark Gil Ladia,39; Cherry Ladia, 39; Leandro Jose Ladia, 15; Emmanuel Ladia, 12; Cherise Angela; Amentues Ladia, 16; Ana Ladia, 33; Gil Ladia, 68; Claire Ladia; at Jerome Ladia, 65.

Nagsimula ang sunog ng 8:50 ng umaga at umabot sa first alarm dakong 9:02 ng umaga.

Naideklarang fire out ang sunog 10:25 ng umaga.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente pero batay sa inisyal na findings ng Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng nagsimula ang sunog sa kusina ng bahay.

Ipinag-utos ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang agarang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng nasunugan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *