73 matatandang PDLs sa Davao City Jail naisyuhan ng Senior Citizen ID
Tinulungan ng pamahalaang lungsod ang mga matatandang persons deprived of liberty (PDLs) sa Davao City Jail Annex para maisyuhan ng Senior Citizen ID.
Umabot sa 73 elderly PDLs ang nabigyan ng Senior Citizen ID ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
Ang proseso ay pinangunahan nina Pastor Luis Moran at Don Blande Borla ng OSCA.
Nagpasalamat naman si JS/Insp. Rienzon Roullo ng Davao City Jail sa matiramg ahensya sa tulong nito sa mga nakatatandang preso.
Sa pagkakaroon ng Senior Citizen ID ay mabibigyan ng dagdag na benepisyo ang mga elderly PDL. (DDC)