Halos 100,000 mga pasahero bumiyahe sa mga pantalan ngayong araw
Umabot sa halos 100,000 pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PC) na bumiyahe sa mga pantalan sa bansa araw ng Lunes (Dec. 19).
Sa situation report ng PCG sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022, nakapagtala ng 46,481 outbound passengers at 50,177 inbound passengers sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa simula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Nagtalaga ang PCG ng 4,976 frontline personnel sa 15 PCG Districts at nag-inspeksyon sa 1,793 vessels at 3,551 motorbancas.
Ang lahat ng PCG districts, stations, at sub-stations ay nakasailalim sa ‘heightened alert’ hanggang sa Jan. 7, 2023.
Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang lalawigan para makasama ang kanilang mahal sa buhay sa Pasko at Bagong Taon. (DDC)