PhilID card at ePhilID tinatanggap sa mga transaksyon sa LTO

PhilID card at ePhilID tinatanggap sa mga transaksyon sa LTO

Tinatanggap para sa lahat ng transaksyon sa Land Transportation Office (LTO) ang Philippine Identification (PhilID) card at printed ePhilID bilang valid proof of identification.

Ayon sa abiso ng LTO, pagmumultahin ng P500,000 ang sinumang empleyado ng ahensya na hindi tatanggap ng PhilID card at printed ePhilID bilang valid proof of identification kapag may transaksyon sa LTO.

Pinaalalahanan ang mga tanggapan at empleyado ng LTO na sumunod sa LTO Memorandum Circular No. 2021 – 2272 na inalabas noong Hulyo 2021.

Sa nasabing memorandum, nakasaad na dapat tanggapin ang PhilID card at printed ePhilID kapag ito ang ipinakita ng publiko bilang proof of identification sa kanilang mga transaksyon sa ahensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *