9 sa bawat 10 Pilipino aprubado ang pagtugon ng Marcos admin sa COVID-19 pandemic
Aprubado sa mayorya ng mga Filipino ang pagtugon ng Marcos administration upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Ayon ito sa pinakabagong survey ng OCTA Research.
Base sa resulta ng Tugon ng Masa (TNM) 4th Quarter 2022 survey, 92 percent ng mga Filipino ang nagsabing aprub sa kanila ang pagtugon ng national government upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Ang naturang approval rating ay mas mataas ng 10 percent kumpara sa huling TNM survey na ginawa noong March 2022.
Isinagawa ang survey noong Oct. 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents sa National Capital Region, balance Luzon, Visayas at Mindanao.