Pang. Marcos nag-inspeksyon sa NFA warehouse sa Valenzuela para matiyak ang P25 per kilo na bigas sa Kadiwa stores
Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatuloy ang suplay ng bigas sa Kadiwa ng Pasko sites na maaaring mabili sa halagang P25 kada kilo.
Kasunod ito ng isinagawang inspeksyon ng pangulo sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City.
Sinabi ng pangulo na nais niyang makatiyak na hindi mapapatid ang suplay sa Kadiwa kaya pinuntahan niya ang mga warehouse.
Ayon sa pangulo ito ang panahon na naglalabas na ng bigas kaya maaaring tuluy-tuloy na rin itk at hindi mauubusa ang Kadiwa ng commodities na ipagbibili sa abot-kayang halaga.
Inihayag ni Pangulong Marcos na mayroong sapat na suplay ng bigas sa Valenzuela City warehouse sa kabila ng binawasan ng pamahalaan ang importasyon at binigyang prayoridad ang local sourcing ng produkto.
Sa kaso naman ng suplay ng sibuyas, sinabj ng pangulo na humahanap sila ng paraan uoang agad madala sa merkado ang mga smuggled na sibuyas.
Posible aniyang sa susunod na linggo ay mayroon nang mailatag na solusyon ang pamahalaan hinggil sa smuggled na sibuyas.