300 doses ng bakuna kontra COVID-19 natanggap na ng Mandaluyong City Medical Center

300 doses ng bakuna kontra COVID-19 natanggap na ng Mandaluyong City Medical Center

Natanggap na ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang 300 doses ng COVID-19 vaccines.

Dumating ang mga bakuna alas 10:30 ng umaga araw ng Huwebes (March 4).

Ang mga bakuna ay para sa mga healthcare worker ng Mandaluyong City Medical Center.

Tinanggap MCMC Director Dr. Zaldy Zarpeso, Administrative Officer Dr. Cesar Tutaan at Dr. Elizabeth Carpeso ang mga bakuna.

Ang nasabing mga bakuna mula Sinovac ay nakalaan para sa medical frontliners ng ospital at sisimulan ang vaccination sa darating na Sabado (March 6).

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *