3 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine na donasyon ng US dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang mahigit tatlong milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccines.
Dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial turonver sa 3,000,060 doses ng mga bakuna na donasyon sa Pilipinas ng US.
Ang panibagong shipment ng mga bakuna ang ikalawang shipment mula sa U.S. ngayong taon.
Noong nakaraang buwan ay tumangggap din ang Pilipinas ng mahigit tatlong milyong doses ng Johnson & Johnson vaccines mula sa American government.
Ang donasyon ay bahagi ng P1.38 billion assistance ng U.S. government sa bansa bilang ayuda sa pandemya ng COVID-19.