3 kalsada sa Eastern Visayas sarado sa mga motorista dahil sa Typhoon Bising
Tatlong bahagi ng national roads sa Eastern Visayas Region (Region 8) ang hindi nadaraanan ng mga motorista dahil sa pagbaha na at landslide na dulot ng Typhoon ‘Bising’.
Batay sa ulat ng DPWH Bureau of Maintenance, sinabi ni DPWH Secretary Mark A. Villar na kabilang sa mga sarado ang mga sumusunod na kalsada:
– Wright-Taft-Borongan Road, Camp 5 Boundary – Jct. Taft sa Barangay Binaloan, bayan ng Taft
– Taft-Oras-San Policarpio-Arteche Road sa Barangay Bigo, sa bayan ng Arteche
– Biliran-Naval Road, Catmon Bridge Detour, sa Barangay Catmon, Naval, Biliran.
Pansamantala ding isinara sa mga motorista ang landslide-prone road sa K0861+ (-439) – K0890+176 sa Brgy. Binaloan, Taft
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga lansangan at gumamit ng alternatibong kalsada.