P5.268-trillion national budget para sa susunod na taon nilagdaan na ni Pangulong Marcos
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ganap na batas ang P5.268-trillion national budget para sa taong 2023.
Isinagawa ang ceremonial signing sa Malakanyang sa 2023 General Appropriations Act na sinaksihan nina Vice President Sara Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas.
Bahagi ng pambansang pondo sa susunod na taon ang P150-million na confidential and intelligence fund ng Department of Education (DepEd), at P500-million na confidential and intelligence fund ng Office of the Vice President.
Ibinalik din sa 2023 budget ang P10-billion na pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. (DDC)