EO na nagpapatupad ng adjustment sa percentage net earnings na kailangang i-remit ng DBP sa pamahalaan nilagdaan ni Pang. Marcos

EO na nagpapatupad ng adjustment sa percentage net earnings na kailangang i-remit ng DBP sa pamahalaan nilagdaan ni Pang. Marcos

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Executive Order No. 8 na nagpapatupad ng pagbabago sa percentage net earnings na kailangang i-remit ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa national government.

Sa ilalim ng nasabing EO, ibinaba na sa zero percent mula sa dating 50 percent ang annual net earnings ng DBP para sa taong 2021.

Batay ito sa Republic Act No. 7656 o Dividend Law kung saan nakasaad na lahat ng government owned or controlled corporations (GOCCs) ay kailangan mag-remit ng hindi bababa sa 50% ng kanilang annual net earnings sa national government subalit maaari itong baguhin ng pangulo base sa magiging rekomendasyon ng Department of Finance (DOF).

Nakasaad sa EO na inirekomenda ng DOF ang pagpapatupad ng downward adjustment para masuportahan ang capital position ng DBP at makatugon ito sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *