Unang araw ng Misa de Gallo sa Central Visayas naging mapayapa
Naging mapayapa ang unang araw ng Misa de Gallo sa Central Visayas.
Nagpalakat ng mga tauhan ang Police Regional Office-7 sa mga simbahan upang masiguro ang kaligtasan ng mga magsisimba.
Personal ding bumisita si Police Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, hepe ng PRO-7 sa Cebu Metropolitan Cathedral.
Ilang oras bago magsimula ang Misa de Gallo, nag-inspeksyon ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Unit sa palibot ng simbahan.
Ani Alba, umaasa siyang mananatili ang peace and order situation sa lahat ng mga simbahan sa rehiyon.
Ayon aky Alba, nagtalaga ang pulisya ng Police Assistance Desks sa lahat ng simbahan sa rehiyon para malapitan ng mga magsisimba kung kailangan nila ng tulong. (DDC)