Mga sibuyas at iba pang agicultural products nakumpiska sa Tondo, Maynila

Mga sibuyas at iba pang agicultural products nakumpiska sa Tondo, Maynila

Nakumpiska ng mga otoridad ang mga agricultural products sa Tondo, Maynila na pawang misdeclared at underdeclared.

Ayon sa Task Force Bumabangon na Magsasaka ng Philippine Coast Guard (PCG) nadiskubre ang mga produkto na laman ng limang container vans sa International Container Terminal Services Incorporated-Designated Examination Area (ICTSI-DEA).

Laban ng nasabing mga kontrabando ang mga puting sibuyas, frozen fish tofu, at frozen squid flower.

Isinilbi ng PCG ang Warrant Seizure and Detention (WSD) para sa nasabing mga kontrabando dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Section 117.

Katuwan ng PCG sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng Bureau of Plant Industry (BPI), Philippine Drug Enforcement Agency-Seaport Interdiction Unit (PDEA-SIU), Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS), Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD), at Department of Agriculture-Wide Field Inspectorate (DA-WFI). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *