2 empleyado ng driving school, 1 fixer arestado sa Iloilo

2 empleyado ng driving school, 1 fixer arestado sa Iloilo

Patuloy ang pagpapatupad ng mas maigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga fixer.

Sa ikinasang operasyon ng LTO Region 6 katuwang ang Philippine National Police (PNP) Jaro Police Station, isang fixer ang naaresto kasama ang dalawang tauhan ng LTO-accredited driving school.

Nag-ugat ang operasyon matapos na mag-alok ang fixer ng pag-iisyu ng Theoretical Driving Course (TDC) certificate of completion kahit hindi sumasailalim sa actual course sa halagang P2,000.

Inaprubahan ni LTO Region 6 Regional Director Eric Lenard Tabaldo ang request para maisagawa ang entrapment operation sa pangunguna ng Anti-Fixers team.

Isa ang nagpanggap na kliyente at nakipagkasundo sa fixer at nagtungo sa driving school malapit sa pasilidad ng LTO Region 6.

Agad inaresto ang mga suspek nang matanggap ang marked money.

Nakakulong ngayon sa Police Precinct 3 Jaro Police Station ang tatlo at nahaharap sa kasong paglabag sa Falsification sa ilalim ng Article 172 ng Revised Penal Code at paglabag sa Republic Act 11032 o “Ease of Doing Business Law”.

Ang accredited driving school, ay ipinasara at pinatawan ng 60-araw na suspensyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *