Pagtanggap ng aplikasyon para sa 2023 Bar Exams, sisimulan sa Jan. 8
Uumpisahan na sa Jan. 8, 2023 ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga kukuha ng 2023 Bar Examinations.
Sa inilabas na Bar Bulletin No. 2 ng Korte Suprema, inilatag ang application requirements para sa 2023 Bar Exams.
Ang application form ay maaaring i-accomplish sa pamamagitan ng Bar Applicant Registration Information System and Tech Assistance o BARISTA na bagong online application platform ng SC.
Magkakaiba ang documentary requirements depende sa uri ng aplikante kung sila ay bagong aplikante, dati nang bar takers o refreshers.
Para sa mga bagong aplikante, ang application period ay mula Jan. 8, 2023 hanggang Apr. 30, 2023.
Kung previous takers o refreshers, ang application period ay mula May 1, 2023 hanggang July 8, 2023.
Ang Bar Application Fee ay P12,800 na babayaran sa pamamagitan ng online payment facilities. (DDC)