SPD may “Pamaskong Handog” sa mga bata
Hinandugan ng Southern Police District (SPD) ng kasiyahan ang mga bata ngayong Kapaskuhan sa isinagawang Pamaskong Handog 2022 Alay sa mga Kabataan Year 1 sa SPD Grandstand, Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.
Pinangunahan ni District Director Brig. General Kirby John Brion Kraft kasama sina DDDA Col. Aligre Martinez at SDS Lt.Col. Noel Calapatia ang aktibidad na isinagawa ng District Community Affairs and Development Division (DCADD) sa ilalim ng liderato ni AC DCADD Lt.Col. Jenny Tecson, CAS ng MaTaPatPaMuLaPa stations, opisyales ng KKDAT ,kinatawan ng mga Barangay at mga sumuportang SPD stakeholders.
Aabot sa 100 na bata mula sa pinakamahihirap na mga komunidad na tumanggap ng Pamaskong Handog kabilang ang food packs and juices, assorted toys, loot bags of assorted goodies (candies, biscuits etc.), shoes, slippers, facemasks, at school supplies.
Inilagay naman ang Mobile Kusina sa katabi ng grandstand at namahagi ng masustansiyang lugaw.
Ang mga benepisyaryo ay hinandugan din ng nakakaaliw na mascots, magic show, parlor games at Christmas themed mobile cars na binasbasan ni Fr. Jake Failagmo mula sa St. Therese of Child Jesus.
Nagpasalamat si BGen Kraft sa lahat ng taong nasa likod ng matagumpay na aktibidad maging sa mga stakeholders na patuloy na sumusuporta.
Hinikayat din ng SPD chief ang lahat ng kanyang mga tauhan na magpamalas ng kabaitan at bukas palad o mapagbigay kahit matapos ang holidays lalo na sa mahihirap na kabataan dahil ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan,saya at kapayapaan. (Bhelle Gamboa)