PNP tiniyak ang police visibility sa Simbang Gabi

PNP tiniyak ang police visibility sa Simbang Gabi

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa kaligtasan ng mga magtutungo sa simbahan para sa nalalapit na pagsisimula ng Simbang Gabi.

Inatasan ni PNP chief, PGen Rodolfo S. Azurin Jr. ang lahat ng police forces na tiyakin ang pagkakaroon ng police visibility sa mga simbahan.

Hiniling din ng PNP chief ang suporta ng iba’t ibang force multipliers kabilang ang Barangay Peace Action Teams (BPATs), Barangay Tanods, Private Security Agencies, Non-Government Organizations (NGO’s), at Civilian Volunteers’ Organizations.

Ito ay para makadagdag sa puwersa ng local police units sa mga isasagawang security operations ngayong holiday season. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *