Direktang flights sa Manila at Brussels nalalapit na
Magkakaroon na ng direktang flight sa Pilipinas at Brussels, Belgium.
Ito ay kasunod ng pakikipagkasundo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng Brussels airport para magkaroon ng direktang flights sa pagitan ng Manila at Brussels.
Ang pulong ay sidelines sa dinaluhang Association of Southeast Asian Nations- European Union (ASEAN-EU) commemorative summit ni Pangulong Marcos.
Mismong ang mga opisyal ng Brussels airport ang panukala na magbukas ng direct flight sa Manila at Brussels.
Ayon kay Arnaud Feist, chief executive officer ng Brussels Airport Company, ang Manila-Brussels direct flight ay “win-win” para sa dalawang bansa.
President Marcos, for his part, said opening a non-stop flight to Brussels serves as an opportunity for Filipinos who want to explore what Belgium and the rest of western Europe have to offer.
Sinabi ni Pangulong Marcos na malaking bentahe ito dahil ang Manila ay maaaring gamiting entry point ng mga Europeans patungo sa iba pang lugar sa Southeast Asia. (DDC)