Korean national arestado sa Parañaque City
Arestado ang isang Korean national sa isinagawang enforcement operation ng mga tauhan ng DSOU-SPD at CIDG-NCR kasama ang mga agents mula sa foreign counterparts, sa Solaire, Brgy. Tambo, Parañaque City nitong Disyembre 12.
Ang naarestong suspek ay si Kim Mihngyu, 39,isang negosyante.
Ayon sa report, ang dayuhang nabanggit ay may outstanding warrant of arrest na inisyu ng Seoul Central District Court sa petsang Disyembre 23, 2020 para sa kasong Robbery by Hostage na paglabag sa Article 336 ng Criminal Act ng Republic of Korea.
Sinasabing nakipagsabwatan ang Korean fugitive sa limang iba pang kasabwat at ginawa umanong hostage ang isang Korean victim kapalit ng pangingikil ng pera at ibang assets na nagkakahalaga ng 185 Million KRW.
Pansamantalang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang suspek habang nakabinbin ang kanyang deportasyon. (Bhelle Gamboa)