Disaster response sa Metro Manila palalakasin

Disaster response sa Metro Manila palalakasin

Nagsagawa ng pagpupulong ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) kasama ang local DRRMOs ng Metro Manila at member-agencies ngayong araw para talakayin ang binubuong Metro Manila DRRM Plan.

Tinalakay din sa pulong ang planong pagsasagawa ng disaster response trainings sa susunod na taon upang mas mapalakas pa ang kanilang kapabilidad at kapasidad pagdating sa pagresponde sa mga kalamidad at sakuna.

Sa pangunguna ni MMDA Acting Chairman at MMDRRMC Chairperson Atty. Romando Artes, nag-report ang DOST-NCR ng kanilang kahandaan tungkol sa Disaster Prevention and Mitigation; DILG-NCR tungkol sa Disaster Preparedness; at DOH-NCR tungkol sa firework-related case management at hand, foot, and mouth disease surveillance update.

Sa full council meeting, ibinida ni Artes ang planong pagkakaroon ng crisis management school na makakapagbigay ng full training course lalo na sa mga DRRM trainers ng Metro Manila.

Katuwang sa plano ang Office of the Civil Defense NCR at DILG NCR.

Napag-usapan din ang response cluster activation para sa Traslacion sa susunod na taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *