OFWs sa Europa pinuri ni Pangulong Marcos

OFWs sa Europa pinuri ni Pangulong Marcos

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga manggagawang Pilipino sa Europa dahil sa kanilang katangian na nagpapataas ng tingin sa mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa meet-and-greet na isinagawang sa Brussels, Belgium araw ng Martes, Dec. 13 binigyang pagkilala ng pangulo ang pagiging masipag at dedikasyon sa trabaho ng mga Pinoy.

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga miyembro ng Filipino community mula sa Netherlands, Luxembourg, France, Germany, Switzerland, Italy, at Poland.

Inanunsyo din ni Marcos ang kaniyang intensyon na lumagda sa bagong Philippines-Belgium Joint Plan of Action for 2023 to 2027.

Layon nitong mas palakasin pa ang bilateral cooperation ng daawang bansa sa pagtugon sa mga regional at global issues. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *