Dagupan City tumanggap ng mga parangal mula sa DOH dahil sa maayos na pagpapatupad ng programang pangkalusugan
Humakot ng parangal ang Dagupan City mula sa Department of Health – Ilocos Center for Health Development (DOH-ICHD) dahil sa mga programang pangkalusugan na ipinatutupad sa lungsod.
Iginawad ang “Madaydayaw Award” sa Dagupan City Health Office sa pagkakahirang nito bilang First Universal Health Care (UHC) Integration Site licensed as primary care facility.
Ang “Palbayani Award” naman o ang UHC Champions Award ay natanggapan ng Dagupan City dahil bukod sa pagiging First UHC Site sa rehiyon, sinabi ng DOH na hindi matatawaran ang performance ng LGU sa pagkamit ng UHC na makikita sa Local Health Systems Maturity Level.
Kinilala rin bilang Top Perfoming City Epidemiology and Surveillance Unit ang lungsod sa pamamagitan ng Bannuar Iti Salun-At Award.
Itinanghal din ang Dagupan City bilang Best TB Control Program Implementer dahil sa suporta nito sa National Tuberculosis Program at ang pagkamit ng 91.22 percent case detection rate for year 2022.
At hinirang ang Dagupan City bilang Best AIDS, STI/HIV Prevention and Control Program Implementer Grand Winner dahil nakamit nito ang Highest Number of Screened Key Population sa programa ng AIDS, STI/HIV.
Nakuha rin ng lungsod ang Best Covid-19 Vaccination Implementation ng Bannuar Iti Salun-At Award dahil sa kontribusyon nito sa pagkamit ng target para sa Covid-19 Vaccine Deployment and Vaccination Campaign.
Ito ay makaraang maabot ng lungsod ang PinasLakas target na at least 30 percent booster coverage ng general population at 90 percent fully vaccinated senior citizens.
Ang anim na awards ay pirmado ni DOH Regional Director Paula Paz Sydiongco.
Ipinagkaloob din ng regional DOH sa Dagupan ang 100,000 cash prize. (DDC)