Single ticketing system sa Metro Manila suportado ng DILG

Single ticketing system sa Metro Manila suportado ng DILG

Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng single ticketing system na napagkasunduan ng Metro Manila mayors.

Nagpasalamat din ang DILG sa Metro Manila mayors sa pagtugon sa panawagan ng ahensya na magpatupad muna ng moratorium sa pagkumpiska sa drivers’ license.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, sa pulong noong Sabado kasama ang saMetro Manila Council, Metro Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Office (LTO), nangako ang Metro Manila local chief executives na magpapasa ng ordinansa para suportahan ang single ticketing system.

Kasama din sa sinuportahan ng Metro mayors ang pagpapaubaya sa LTO ng kapangyarihan sa apgkumpiska ng driver’s license bilang leading law enforcement agency sa pagpapairal ng traffic laws.

Sa ilalim ng bubuuing ordinansa ang mga LGU sa Metro Manila ay ifo-forward sa LTO ang mga traffic violation citations sa kanilang nasasakupan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *