May-ari ng sasakyan na nakasagasa sa isang senior citizen sa Maynila ipinatawag ng LTO

May-ari ng sasakyan na nakasagasa sa isang senior citizen sa Maynila ipinatawag ng LTO

Nagpalabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) sa may-ari ng sasakyan na naka-hit and run sa isang babaeng senior citizen sa Dapitan, Maynila.

Sa utos na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO, ang may-ari ng Nissan Almera, at ang driver nito nang mangyari ang aksidente ay pinahaharap sa IID office sa second floor ng Law Enforcement and Traffic Adjudication Service (LETAS) building ng the LTO Central Office sa Quezon City sa Huwebes, December 15, 2022 alas 10 ng umaga.

Ang may-ari ay inatasan ding dalhin ang ang sasakyan sa LTO North Motor Vehicle Inspection Center (NMVIC), para maisailalim sa motor vehicle inspection.

Ilalagay na din ng LTO sa ang nakasagasang sasakyan alarma para maiwasang iyo ay maibenta habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ang driver ng sasakyan noong mangyari ang aksidente ay inatasang nagsumite ng written explanation kung baakit hindi siya dapat masampahan ng reklamo dahil sa Reckless Driving, failure to comply with the Duty of Driver in case of Accident, at kung bakit hindi siya dapat mabawian ng lisensya.

Isang Nissan Almera ang nakabangga sa isang babaeng senior citizen sa Maynila na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Nagtamo ng pinsama sa kaniyang katawan ang biktima. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *