Mahigit 200 personnel ng City Government ng Davao pinarangalan sa kanilang pagresponde sa kalamidad
Kinilala ng Davao City Government ang kabayanihan ng 235 na personnel nito na pawang nagserbisyo makaraang makaranas ng kalamidad sa lungsod noong Oktubre at Nobyembre.
Ang 235 na tauhan ng City Government ay pawang rumesponde at nagsagawa ng relief operations sa mga lugar na naapektuhan ng Severe Tropical Storm Paeng at malakas na pag-ulan sa lungsod.
Sa isinagawang Flag Raising Ceremony araw ng Lunes, Dec. 12 ay binigyang-parangal ang nasabing mga tauhan.
Sila ay pawang mula sa City Disaster Risk Reduction Management Office (47), City Social Welfare and Development Office (37), City Health Office (10), City Engineer’s Office (27), Ancillary Services Unit (48), Davao City Police Office (44), Task Force Davao (18) at City Information Office (4). (DDC)