Mahigit P83.9M na halaga ng ilegal na droga sinira sa Cebu City
Aabot sa mahigit P83.9 million na halaga ng ilegal na droga ang sinira sa Cebu City ng Philippine Drug Enforcement Agency – Region 7.
Ang pagsira sa mga ilegal na droga ay isinagawa sa isang funeral home sa lungsod.
Ayon sa datos ng PDEA-7, kabilang sa sinira ang 12.3 kilos ng shabu, 1.9 kilos ng marijuana leaves, 6 na piraso ng fully grown marijuana plants, at 136mL ng nubain.
Ang nasabing mga ilegal na droga ay pawang mga nakumpiska sa mga ikinasang operasyon ng PDEA. (DDC)