Oplan Isnabero muling ikakasa ng LTFRB ngayong Kapaskuhan

Oplan Isnabero muling ikakasa ng LTFRB ngayong Kapaskuhan

Magsasagawa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng operasyon laban sa mga mapagsamantalang tsuper ng mga pampublikong sasakyan ngayong Pasko.

Kabilang sa babantayan sa Oplan Isnabero ang mga terminal sa mga mall sa gitna ng mas pinahabang operasyon ng mga mall na bukas mula 9:00am hanggang 11:00pm.

Kasama ng LTFRB sa operasyon ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) at mga enforcer ng mga local government units.

Paalala ng LTFRB sa mga Public Utility Vehicle (PUV) operator na binibigyan sila ng Certificate of Public Convenience (CPC) bilang pribilehiyo na makapaglingkod sa publiko na nangangailangan ng pampublikong transportasyon.

Hinikayat naman ng LTFRB ang mga pasahero na maghain ng reklamo sa pamamagitan ng QR Code na kung sila ay nabiktima ng mga isnaberong driver. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *