BRP Gabriela Silang nakabalik na sa Maynila matapos ang 15-araw na misyon sa Batanes

BRP Gabriela Silang nakabalik na sa Maynila matapos ang 15-araw na misyon sa Batanes

Nakabalik na sa Maynila ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) matapos maisagawa ang 15 araw na misyon nito sa lalawigan ng Batanes.

Sa nakalipas na dalawang linggo, sakay ng naturang barko ang Task Force Kaligtasan sa Karagatan na nagkabit ng apat na navigational lantern sa Sabtang, Ivana, Mahatao, at Valanga.

Si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, at Batanes Governor Marilou Cayco mismo ang nanguna sa pag-komisyon ng mga lighthouse noong Biyernes, Dec. 9.

Ayon kay Abu, layon ng naturang inisiyatiba na itaguyod ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisda at marinong naglalayag sa malawak na katubigan ng probinsya.

Para naman kay Governor Cayco, naniniwala siya na makakatulong ang mga imprastrakturang ito para mapalawak ang lokal na turismo sa Batanes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *