Pangulong Marcos nakaalis na patungong Belgium para dumalo sa ASEAN-EU Commemorative Summit
Nakaalis na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at kaniyang delegasyon patungong Brussels, Belgium para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Commemorative Summit.
Kasama rin ng pangulo sa kaniyang biyahe si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ang summit ay tatagal hanggang sa December 14.
Sa nasabing summit, isusulong ni Pangulong Marcos ang mga interest ng ASEAN at mga prayoridad ng Pilipinas sa pagsentro sa post-pandemic economic recovery, trade, maritime cooperation, at climate action.
Magbibigay din ang pangulo ng concluding remarks sa kaniyang paglahok sa 10th ASEAN-EU Business Summit na inorganisa ng EU-ASEAN Business Council. (DDC)