Pamamahagi ng ayuda dapat baguhin kasunod ng pagkasawi ng 8 katao na kukuha dapat financial assistance sa Tanay

Pamamahagi ng ayuda dapat baguhin kasunod ng pagkasawi ng 8 katao na kukuha dapat financial assistance sa Tanay

Hinilling ng Tanay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamahalaan na baguhin ang sistema sa pamamahagi ng financial aid sa mga mamamayan.

Ito ay kasunod ng pagkasawi ng walong katao na lulan ng pampasaherong jeep na kukuha sana ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Tanay MDRRMO Head Norberto Matienzo Jr., nakipagpulong sila sa regional office ng DSWD matapos ang insidente.

Kabilang sa walong nasawi noong Sabado ang pitong senior citizen at isang limang taong gulang na bata.

Nasawi sila matapos na anurin ng rumaragasang tubig ang sinasakyan nilang jeep sa Brgy. Sta. Ines sa Tanay, Rizal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *