7-day Positivity Rate sa NCR at ilang kalapit na lalawigan tumaas

7-day Positivity Rate sa NCR at ilang kalapit na lalawigan tumaas

Tumaas ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila at sa iba pang mga lalawigan sa bansa sa nakalipas na isang linggo.

Sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng OCTA Research, mula sa 12.4 percent noong Dec. 3 ay tumaas sa 14.4 percent ang NCR positivity rate noong Dec. 10.

Noong Linggo, Dec. 11 ay nakapagtala ng 1,134 na bagong kaso ng COVID-1-9 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 480 ang bagong kaso sa NCR.

Tumaas din ang positivity rate ng COVID-19 sa Batangas, Bulacan, Cagayan, Cavite, Kalinga, Mountain Province, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, at Rizal.

Mula sa 5.2 percent ay tumaas sa 9.2 percent ang positivity rate sa Batangas.

Sa Bataan naman, mula sa 11.2 percent ay tumaas sa 8.7 percent ang positivity rate.

Sa Kalinga, mula sa 20.8 percent ay tumaas sa 57.9 percent ang naitalang positivity rate. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *