BOC at PNP Davao nagsanib-puwersa laban sa “love scam”
Nagsanib-puwersa ang Bureau of Customs (BOC) at ang Philippine National Police – Regional Anti Cybercrime Unit (RACU) sa Davao Region laban sa “love scam”.
Nagkasundo ang BOC-Davao at RACU 11 na paigtingin ang pagpapalaganap ng impormasyon at data sharing.
Ang “love scam” na tinatawag din bilang “parcel scam” ay nambibiktima sa pamamagitan ng pagpapadala ng text, pagtawag at magpapadala ng e-mail.
Ang biktima ay sasabihan na mayroong parcel na nakapangalan sa kaniya at kailangan niyang i-claim.
Gayunman, hihingan ito ng bayad bago ma-claim ang bagahe na hindi naman talaga nag-eexist.
Ayon sa datos ng Public Information and Assitance Division ng BOC-Davao, umabot na sa 100 na reklamo ang kanilang natanggap kaugnay sa parcel scam simula noong Oktubre.
Pinakamalaking nakuha sa biktima ay umabot sa P35,000. (DDC)