283 nakatao naaresto sa Central Visayas dahil sa E-Sabong

283 nakatao naaresto sa Central Visayas dahil sa E-Sabong

Sa loob ng anim na araw ay umabot sa 283 na katao ang naaresto sa Central Visayas sa ikinasang crackdown ng Philippine National Police (PNP) laban sa e-Sabong.

Binigyang pagkilala ni PNP chief, General Rodolfo S. Azurin Jr. ang ginawang hakbang ng Central Visayas police na nagsagawa ng anti-illegal gambling operations partikular laban sa e-sabong activities simula Dec. 5 hanggang 10, 2022.

Sa ulat ni Police Brigadier General Roderick Agustus B. Alba, Regional Director, Police Regional Office 7, sinabi nitong 283 na katao ang nadakip kabilang ang 276 na gamers, 3 tellers, 2 referees at 2 operators sa anim na araw na operasyon laban sa E-sabong sa Central Visayas.

Nakumpiska ng mga otoridad ang P155,779 na betting money, 8 computers, at 52 cellphones.

Kaugnay nito ay nagpaalala si Azurin sa lahat ng 17 Regional Directors at mga Provincial Directors sa bansa na istriktong ipatupad ang direktiba laban sa illegal gambling activities sa kani-kanilang nasasakupan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *