Bagyong Rosal napanatili ang lakas habang nasa bahagi ng Philippine Sea

Bagyong Rosal napanatili ang lakas habang nasa bahagi ng Philippine Sea

Napanatili ng tropical depression Rosal ang lakas nito habang nananatili sa bahagi ng Philippine Sea.

Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 505 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal dahil sa nasabing bagyo.

Sa susunod na 24 na oras sinabi ng PAGASA na posibleng lumakas pa ang bagyo bilang tropical storm. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *