Mahigit P1M halaga ng imported expired frozen meat nakumpiska sa Tondo

Mahigit P1M halaga ng imported expired frozen meat nakumpiska sa Tondo

Nakumpiska ng mga otoridad ang 369 na kahon na naglalaman ng mga expired na frozen meat sa Tondo, Manila.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Department of Agriculture – Wide Field Inspectorate (DA-WFI), National Meat Inspection Service (NMIS), Regional Special Operations Group- National Capital Region Police Office (RSOG-NCRPO), at Philippine Coast Guard Task Force Bantay sa Bumabangon na Magsasaka (PCG-TF BBM).

Ayon sa Coast Guard, laman ng 369 na kahon ang mga expired beef shank boneless (Brazil beef) at frozen pork snout long cut (Germany pork) na tinatayang aabot sa P1,005,100 ang halaga.

Natagpuan ang mga karne sa isang Cold Storage sa San Pedro St. Tondo, Manila.

Ikinasa ang operasyon bilang pagpapatupad ng probisyon ng Republic Act 9296 o “Meat Inspection Code of the Philippines”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *